Hello! Thank you for visiting my Blog!!!
If you're blog users yourselves, keep on blogging!! Ayt? ;)
For more updates or if you wanna be friends with me,
I'm also on Facebook and Twitter!
@ http://facebook.com/captainyvette
@ http://twitter.com/yvetteramirez

Tuesday, January 12, 2010


Ina ka rin...
Ni: Yvette Ramirez

Hayaan mong maglaro ang bata sa araw, kapag umulan nama’y magtatampisaw-buti pa ang commercial ng gatas nakikisimpatya.

Bago tuluyang iputok ang kargadang ito, hayaan mong ika’y akin munang paalalahanan. Buksan ang dapat mong buksan ng unti-unti’y lubusan mong maramdaman. Bato-bato sa langit ang tamaan ay ‘wag magagalit. Ang pikon ay laging talo, kaya’t sabay-sabay nating isigaw,, AKO AY ISANG INTELEKTWAL NA TAO!—malawak ang isipan, may pang-unawa, nakikiisa, hindi nang-iisa…
Akala mo ba ito’y isang simpleng paglalaba lamang? Ihihiwalay ang puti sa dekolor… Kung may mantsa ang ilan sa mga ito ay tatadtarin mo ng SABON, kukosutin ng husto at kung minsan pa nga’y lalagyan pa ng ZONROX (take note! with Bleach pa!). Ayaw maalis ng mantsang matindi kung kumapit kaya’t walang sabi-sabi’y papalitan mo na lamang ng bago, iyong mas maganda syempre sa paningin mo. Magpapasyang gawing basahan na lamang ang luma’t namantsahang damit o kaya nama’y ido-donate sa mga nasalanta ni Ondoy at Pepeng, ngayon naman si Ramil. Hoy gising!

Bakit ba sila na lamang lagi ang iyong napapansin? Sila na sabi mo’y walang nagagawa? Hindi natututo sa mga guro nilang pinagdidiinan mong hindi nagsisipasok gayong kitang-kita ang realidad na wala silang hangad kundi ang maituro sa mga mag-aaral na ito ang lahat ng dapat nilang matutunan. Mga gurong halos dalin ang kanilang buong bahay (TV, DVD, Video Camera/SLR, tripod, laptop etc.) maipakita lang ang tamang application, maipaliwanag, mailarawan ng husto at mahubog sa aming pagkatao bakit, kailan, saan, ano at sino ang MEDIA bilang isa sa mahahalagang bahagi ng lipunan…
Huwag nating bansutin ang ating isipan sa apat na sulok ng silid-aralan o kaya naman sa isang mahabang papel na listahan ng mga dapat lamang pag-aralan. Minsan ay wala kami sa silid-aralan hindi dahil kami’y naglalakwatsa o kaya nama’y nakatambay sa kung saan, pinag-uusapan ang walang kakwenta-kwentang mga bagay, kundi dahil kami’y tumutuklas, inilalapit mismo ang aming mga sarili sa realidad sa labas, hinahayaang lumago ang aming kaisipan. Hindi mo magagawa ang isang makabuluhang dokumentaryo nang ika’y nasa loob lamang ng classroom, kasama ang mga silya, blackboard at electric fan.

Bakit hindi mo subukang makiramdam? Ang magagaling ba para sayo ay iyong mga Future Nutritionists natin sa kusina na humihithit-buga sa may CNN at Resto M? O Baka naman iyong mga Inspector Patola natin na naglalaro ng Billiards kasabay ang alak sa may asul na bahay?
Naghuhugas kami ng kamay bago at matapos kumain gaya ng turo ni Nanay ngunit ang maghugas-kamay sa alin mang sitwasyon ay waglit naming tunay. Alam namin kami’y may pagkakamali. Batid namin ito sa aming mga sarili ngunit, kampante kaming hindi ito sapat na dahilan upang kami’y iyong pag-initan.

MAY YABANG AKO, yan ang talagang proud ako, tulad ng mga kamag-aral ko. Ngunit, ang YABANG na ito ay hindi gaya ng iba. Hindi pagpapapansin at puro pakwela. Ito ay YABANG ng isang… MAY MARARATING!

No comments:

Post a Comment